Friday, November 07, 2014

Handa ka na ba magnegosyo?

ALAMIN ANG ATING KAKAYAHAN

Bago magnegosyo, kailangan makita natin kung may sapat na kakayahan tayo para umpisahan at patakbuhin ito. Ang mge sagot natin sa mga sumusunod na tanong ang tutulong sa atin na masukat an gating kakayahan. Kailangang sagutin natin ng tapat ang mga ito. Pagkatapos ay bibilangin natin an gating iskor para malaman natin kung saang aspeto pa niyo kailangan magpakahusay bago tayo mag-negosyo.

Ang bawat paksa ay may limang pares na pangugusap. Bilugan ang letra ng pangugusap na pinakabagay sa iyo. Maging tapat sa pagsagot nito. Ang ehersisyong ito ang magsasabi kung ikaw ay may kakayahan, karanasan, suporta at karakter na kailangan sa pagpatakbo ng negosyo.



UNANG PAKSA
1.
A. Mayroon akong part-time/full-time trabaho  ngayon. 
B. Wala akong part-time/full-time trabaho  ngayon. 

2.
A. Kung hindi maging maganda ang takbo ng aking trabaho, saka ko sisimulan ang pag-negosyo. 
B. Maganda man o hindi ang maging takbo ng aking trabaho, sisimulan ko pa rin mag-negosyo. 

3.
A. Magtratrabaho ako upang kumita ng pera. Wala akong interes of kaligayahan na magtrabaho bilang empleyado. 
B. Interesado ako magtrabaho bilang empleyado. Mayroon akong matutunan sa bawat trabahong papasukan ko. 

4.
A. Gusto kong magnegosyo para mabigyan ng magandang buhay ang aking pamilya. 
B. Gusto kong magnegosyo para maging matagumpay. Ang mga mayaman ay may ari ng sariling negosyo. 

5.
A. Kailangan natin ng maraming pabor mula sa ibang tao para magtagumpay sa ating gawain.
B. Naniniwala ako na ang tagumpay o pagbagsak ng isang negosyo ay dahil sa sarili kong pagpapatakbo at kakayahan.


IKA-2 NA PAKSA
1.
A. Ayoko ng risgo or “risk” kahit na malaki ang posibleng ganansya. 
B. Kumbinsado ako na upang umumlad sa buhay, dapat akong humarap ng risgo o “risk”. 

2.
A. Naniniwala akong may mga oportunidad sa kabila  ng mga risgo or “risk” 
B. Kung ako ay may pagpipilian, mas nais ko ang siguradong pamamaraan. 

3.
A. Kung gusto ko ang isang ideya, susubukan ko iton nang hindi na iniisip kung may bentahe o may panganib. 
B. Susubukan ko ang isang ideya kung napagisipan ko na ang mga bentahe at panganib. 

4.   
A.      Tatanggapin ko na maaring akong malugi at mawala ang perang  inilagay ko sa negosyo.
B.      Mahirap sa aking tanggapin na maaring akong malugi at mawala ang  perang inilagay ko sa negosyo.

5.      
A.      Gusto kong kontrolado ko ang lahat ng Gawain o bagay.
B.      Tanngap ko na hindi ko kayang kontrolin ang bawat bagay. Pero dapat may sapat akong kakayahan para makontrol ang ilan.


IKA-3 NA PAKSA
1.
A. Hindi ako madaling sumuko sa harap ng matinding pagsubok 
B. Kung mahirap matamo ang isang bagay,  hidi na ito dapat ipaglaban. 

2. A. Apektado ako ng matinding kabiguan. 

B. Hindi ako naapektuhan ng kabiguan sa matagal  na panahon. 

3. A. Naniniwala ako  na kaya kong panghawakan ang mga pangyayari. 

B. May hangganan ang kakayahan ng tao. Malaki ang papel ng kapalaran at swerte sa ating buhay. 


4. A. Kapag ako ay tinanggihan ng isang tao, nalulungkot ako at kinakalimutan na lang ito. 

B. Kapag ako ay tinanggihan ng isang tao, tinatanggap ko ito ng maluwag at ginagawa ang lahat para magbago ang kaniyang pag-iisip 

5. A. Kalmado ako sa isang krisis para mapgisipan ang tamang solusyon. 

B. Nalilito ako at kinakabahan pagdating ng isang krisis. 


IKA-4 NA PAKSA

1. A. Hindi ko isasama ang aking pamilya sa pagdesisyon sa negosyo para hindi sila maapektuhan nito. 

B. Isasama ko ang aking pamilya sa lahat ng importanteng desisyon sa negosyo. 


2. A. Maiintindihan ako ng aking pamilya kung mababawasan ang panahon ko para sa kanila dahil sa negosyo. 

B. Sasama ang loob ng aking pamilya kung mababawasan ang panahon ko para sa kanila dahil sa negosyo. 


3. A. Kung hindi masyado matagumpay ang negosyo, magagalit ang aking pamilya dahil sa kanilang haharapin.. 

B. Kung hindi masyadong matagumpay ang negosyo, haharapin ng aking pamilya ang mga kahirapang maring mangyari. 

4. A. Ang aking pamilya ay tutulong sa panahong nahihirapan ang negosyo.. 

B. Maaring hindi tumulong ang aking pamilya sa panahong nahihirapan ng negosyo. 

5. A. Mag aalala ang kapamilya kung ako ay mag sisimula ng isang negosyo. 

B. Sumasang ayong ang pamilya ko sa pagsisimula ko  ng isang  negosyo. 



IKA-5 NA PAKSA

1. A. Nahihirapan ako sa pagharap sa isang problema. Nagaalala ako at ayaw ko itong pagiisipan. 

B. Hindi ako takot humarap sa problema. Pinagiisipan ko ito at binibigyan ng solusyon. 


2. A. Kung ako ay nasa mahirap na sitwasyon, hinaharap ko ito ng buong lakas. Ang kahirapan ay isa lamang pagsubok sa aking kakayahan at maligaya ko itong hinaharap. 

B. Kung ako ay nasa mahirap na sitwasyon, kinakalimutan ko na lamang ito at hinahayaang lumipas. 


3. A. Sasabay na lamang ako sa agos at maghihintayng magandang mangyayari. 

B. Hindi ako maghihintay ng magandang pangyayari. Ako ang gagawa nito. 

4. A. Lagi akong naghahanap ng kakaibang gagawin. 

B. Gusto ko lang gawin ang mga bagay kung saan ako magaling. 


5. A. Makakatulong sa akin ang lahat ng ideya. Sinusubukan ko ang mga ito para malaman kung alin ang mabisa. 

B. Ang mga tao ay may kanya-kanyang ideya pero hindi ko maaring subukan lahat. Mas gusto kong subukan at gawin ang sariling kong ideya. 


IKA-6 NA PAKSA

1. A. Kukunin ko para sa aking pamilya ang halaga kaya lang ibigay ng negosyo.

B. Kukunin ko mula sa negosyo ang lahat na kailangan ng aking pamilya.


2. A. Kung may kaibigan o kapamilya na nangangailangan ng pera, tutulungan ko sila kahit mahirapan ang negosyo. 

B. Kung may kaibigan o kapamilya na nangangailangan ng pera, kukuha ako mula sa personal kong kinita. Hindi ako dapat kumuha sa perang kailangan ng negosyo 

3. A. Hindi ko dapat pabayaan ang negosyo alang-alang sa pamilya o mga kaibigan. 

B. Ang aking pamilya at mga kaibigan ay mataas na prioridad. Nauuna sila sa negosyo. 


4. A. Kaiba sa ordinaryong customer, ang kapamilya at kaibigan ay makakakuha ng espesyal na servisyo o benipisyo mula sa negosyo. 

B. Tulad ng ibang customer, dapat lang bayaran ng kapamilya at kaibigan ang mga produkto, serbisyo at kagamitan ng negosyo. 


5. A. Hindi ko pauutangin mula sa negosyo ang sinuman dahil lamang sila ay kapamilya o kaibigan..

B. Palagi kong pauutangin ang kapamilya at kaibigan



IKA-7 NA PAKSA

1. A. Madali akong nakakapagdesisyon. Natutuwa akong mabigyan ng pagkakataong makapagdesisyon. 

B. Nahihirapan akong gumawa  ng isang desisyon. 

2. A. Nakakagawa ako ng mahirap na desisyon nang di kumukunsulta sa iba. 

B. Humihingi ako ng payo sa iba’t ibang tao kung mayroong mahirap na dedesisyunan. 

3. A. Pinagpapaliban kong gumawa ng isang mahirap na desisyon. 

B. Madali akong   nakakapagdesisyon kung kinakilangan. 


4. A. Pinagiisipan kong mabuti at tinitingnan ang lahat na alternatibo bago Magdesisyon. 

B. Ang aking desisyon ay base sa aking nararamdaman at intuisyon. Nalalaman ko agad kung ano ang desisyon. 

5. A. Nag aalala akong madalas na baka ako magkamali. 

B. Hindi ako nag aalala magkamali dahil sa ganitong paraan ako matututo. 



IKA-8 NA PAKSA

1. A. Gagawin ko lamang ang produkto at serbisyong gusto ko. 

B. Gagawin ko lamang ang produkto at serbisyong gusto o kailangan ng mga customer. 


2. A. Kung gusto ng customer ay ang murang produkto at serbisyo, sisikapin kong maabot ang kanilang kagustuhan. 

B. Kung gusto ng customer ay ang murang produkto at serbisyo, pwede na sila maghanap sa iba. 

3. A. Kung gusto ng customer umutang, pagaaralan ko kung paano ito gagawin 

nang hindi  makakasama sa negosyo

B. Hindi ako magpapautang. 


4. A. Kung kinakailangan lumipat sa ibang lugar para umunlad and negosyo, handa akong gawin ito. 

B. Hindi ako handang lumipat sa ibang lugar. Ang mga customer at supplier ang dapat pumunta sa akin. 


5. A. Pag-aaralan ko ang mga pangangangailangan at uso sa merkado. Sisikapin kong baguhin aking ugali at pagtrabaho para makasabay sa mga ito. 

B. Masmagaling kung magtrabaho ako sa paraang nalalaman ko. Napakahirap sabayan ang mga pangangailangan at uso ng panahon. 

IKA-9 NA PAKSA

1. A. Gusto kong kalmado at pabandying-bandying. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos kung may pressure. 

B. Mas nais kong magtrabaho ng may pressure. Natutuwa ako sa mga pagsubok. 



2. A. Gusto kong magtrabaho ng maraming oras. Okay lang gamitin ko ang 

libreng oras ko sa pagtratrabaho.

B. Sa aking palagay importante ang magkaroon ng libreng oras malayao sa trabaho. Hindi tayo kailangang magtrabaho sa lahat ng oras. 


3. A. Hindi ko papayagang mabawasan ang oras ko sa pamilya at kaibigan dahil lamang sa negosyo. 

B. Handa akong bawasan ang aking oras sa pamilya at kaibigan dahil sa negosyo. 


4. A. Pwede kong ipagpalibanang pagpapasarap, pasyal at hilig kung kinakailangan. 

B. Sa aking palagay mas magandang magkaroon ng maraming oras para sa aking mga hilig at para sa pag-relax. 

5. A. Handa akong magtrabaho ng lubus-lubusan. 

B. Handa akong magtrabaho at gawin ang kinakailangan lamang. 



IKA-10 NA PAKSA

1. A. Ayaw ko ng negosasyon. Mas medaling sundin ko na lang ang gusto ng iba.

B. Gusto kong makipag negosasyon at madalas ko itong nagagawa nang di nakakasakit ng ibang tao. 

2. A. Maayos akong makipag usap sa kapwa tao. 

B. Nahihirapan akong makipag usap sa kapwa tao. 

3. A. Hindi ako interesado sa opinion at paniniwala  ng ibang tao. 

B. Gusto kong making sa mga opinion at paniniwala ng ibang tao. 


4. A. Kung ako ay makikipag negosasyon, masgusto kong making na lang Hintayin kung ano mangyayari. 

B. Kung ako ay makikipag negosasyon, iniisip ko kung ano ang pabor sa akin at kung ano ang pabor sa taong kanegosasyon ko. 


5. A. Naniniwala ako na para maging matagumpa y ang negosasyon, kailangang humanap ng paraan para makuha ng lahat ang kanilang ninanais. 

B. Ako ang magnenegosyo kaya ang aking opinion ang pinakaimportante. Natural lamang na may matatalo. 

PAKSA SCORE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
TOTAL



No comments: